Meet Jay Manalo's half-brother, the viral policeman Julius Manalo

Pinag-uusapan ngayon ang pulis na si Julius Manalo matapos nitong muling makita ang Koreanang ina na si Oh Geum Nim.
Nagkakilala ang mga magulang ni Julius sa Korea kung saan nagtrabaho noon ang kanyang ama bilang isang mang-aawit.
Taong 1993, bumalik ang ama ni Julius na si Eustaquio Manalo sa Maynila at isinama siya nito dito. Magmula noon, hindi na sila bumalik sa Korea kung kaya't tuluyan na siyang nawalay sa kanyang ina.
Matapos ang mahigit tatlong dekada, muling nakita ni Julius ang kanyang ina nang magtungo siya sa Korea. Nagkaroon kasi ng interes ang isang Korean producer sa kuwento ni Julius kaya tinulungan siya nitong hanapin ang kanyang ina.
Mas kilalanin pa si Julius Manalo sa mga larawang ito.










