Meet Jomar Yee and Spencer Serafica, Lala and Lulu of 'Mga Batang Riles'

Katatawanan ang hatid ng influencers na sina Jomar Yee at Spencer Serafica sa maaksyong programa ng GMA Prime na Mga Batang Riles.
Ginagampanan nina Jomar at Spencer ang magkapatid na Lala at Lulu, ang dalawang anak ni Pol na ginagampanan naman ni Roderick Paulate.
Bago mangyari ang trahedya sa Sitio Liwanag, may kainan sina Lala at Lulu at lubos ang kilig nila tuwing dumadaan si Kidlat (Miguel Tanfelix).
Sa totoong buhay, nakakatawa rin sina Jomar at Spencer lalo na't patok na patok sa TikTok ang kanilang videos.
Mas kilalanin pa silang dalawa sa mga larawang ito.











