Meet Kazel Kinouchi's 98-year-old lola na kakampi ni Moira

Isa si Kazel Kinouchi sa Sparkle stars na napapanood sa GMA's top-rating series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Kamakailan lang, sa mismong set ng serye, isang espesyal na bisita ang nakasama ni Kazel.
Siya si Lola Pacita, ang 98-year-old real-life lola ni Kazel na solid viewer at sobrang fan daw ng 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Bukod sa pagbisita sa apo na si Kazel, isang karakter sa serye ang sinadya ring bisitahin ni Lola Pacita- ang mommy ng karakter ni Kazel na si Moira (Pinky Amador).
Kilalanin si Lola Pacita at silipin ang ilang larawan niya sa set ng serye sa gallery na ito.






