Meet Keisha Serna, ang "Towering Beauty" at Ina Raymundo look-alike ng Sparkle Teens

Kilalanin si Keisha Serna, isa sa mga Sparkle Teens at ang tututukang young actress sa GMA Network.
Isa ang 15-year-old newbie Kapuso sa mga nakapukaw ng atensyon ng publiko nang ipinakilala ang mga miyembro ng Sparkle Teens nitong Abril. Kapansin-pansin kasi ang ganda at potensyal niyang maging future model o beauty queen. Bukod dito, may ilan ding nakapansin ng pagkakahawig ng dalaga kay Ina Raymundo.
Alamin ang ilan pang mga detalye tungkol kay Keisha rito:







