Mas mapupuno ng kulitan at good vibes ang weekends dahil sa pinakabagong original game show ng GMA, ang The People Have Spoken!
Humanda sa mas masayang Saturday nights dahil makakasama nina Heart Evangelista at Sean Lucas ang mga makukulit at outspoken na celebri-peeps.
Sila ang mga opinionated guest celebrities na magbabahagi ng kanilang diverse, candid, at madalas nakakatawang opinyon kasama ang 100 studio audience members (The People) tungkol sa iba't ibang paksa at isyu.
Sa game show, kailangang mapulsuhan ng celebrity players ang boses ng People para manalo!
Kilalanin ang ating makukulit at opinionated na celebri-peeps sa gallery na ito!
Humandang tumawa at makipagkulitan kasama ang beauty queen, host, at environmental advocate na si Joy Barcoma.
Ready na makipagkuwentuhan at makisaya ang unfiltered podcaster at stand-up comedian na si Baus Rufo.
Puno ng good vibes ang dala ng events host at content creator na si Janeena Chan bilang isa sa celebri-peeps!
Kasama rin sa magpapasaya at magbibigay ng kanyang opinyon sa game show ang eventologist na si Tim Yap.
Abangan ang The People Have Spoken tuwing Sabado, simula June 6, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.