Meet PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemate Krystal Mejes

Isang proud Waray ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate at Star Magic star na si Krystal Mejes, na kinilala sa Bahay Ni Kuya bilang Ang Wishful Waray ng Samar.
Pitong-taon lamang si Krystal nang magsimula sa showbiz at makuha ang una niyang big break sa Kapamilya series na Doble Kara noong 2015.
Maaga siyang nangarap na maging artista nang mapanood ang 2011 drama fantasy series na Mutya, na nagdala sa kanya sa Manila mula sa Samar.
Ngayon, hindi maitatanggi na isa si Krystal sa promising stars ng kanyang henerasyon. Patunay rito ang pagkakapanalo niya ng Best Actress sa 2023 Paris Film Awards para sa kanyang performance sa short film na Matapang.
Mas kilalanin pa Ang Wishful Waray ng Samar na si Krystal Mejes sa gallery na ito:











