News
IN PHOTOS: Meet 'Goblin' actor Lee Dong-wook

Si Lee Dong-wook ay isa sa mga favorite Korean actors ng mga Pinoy dahil sa taglay nitong husay sa pag-arte na may bonus pang good looks.
Maraming beses na ring nakabisita sa Pilipinas ang aktor para sa proyekto nito na sinamahan pa ng meet-and-greet events.
Noong 2021, napapanood si Lee Dong-wook bilang si Leon sa Korean drama series na handog ng GMA Heart of Asia, ang 'Tale of the Nine Tailed.' Kasama niya rito ang Korean stars na sina Jo Bo-ah at Kim Bum.
Kasalukuyan siyang napapanood sa GTV bilang The Grim Reaper sa 'Goblin: The Lonely and Great God.'
Matatandaang noong 2022, ipinalabas sa GMA ang naturang action drama series.
Kilalanin pa si Lee Dong-wook sa gallery na ito.
















