Meet the cast of award-winning Lakorn series 'To Me, It's Simply You'

Nagsimula nang magpakilig tuwing umaga ang award-winning Lakorn series na 'To Me, It's Simply You' sa GMA, na pinagbibidahan nina Nadech Kugimaya (Edward) at Bow Maylada Susri (Vivian).
Kasama rin nila sa seryeng ito sina Danny Luciano (Richie), Lita Kaliya Niehuns (Alice), Tao Pusin Warinruk (Bong), Nubtung Nunnapas Radissirijiradech (Nimfa), Somjit Jongjohor (Bert, tatay ni Vivian), Chamaiporn Sitthiworanang (Myrna, nanay ni Vivian), Yeong Lookyee (Jose, tatay ni Edward), at Namfon Sueangsuda Lawanprasert (Elena, nanay ni Edward).
Ang 'To Me, It's Simply You' ay iikot sa kuwento ni Edward, isang series director sa Bangkok, na nagbalik probinsya matapos na pagtaksilan at lokohin ng babaeng minahal niya.
Sa pagbabalik, makikilala niya si Vivian, ang babaeng magpapa-realize sa kanya na simple lang ang buhay, simple lang pala ang magmahal.
Kilalanin ang cast ng 'To Me, It's Simply You' sa gallery na ito:










