advertisement
TV

Meet the cast of 'Forever Young'

1 of 12

Euwenn Mikaell bilang Rambo Agapito

Matapang, palaban, mapagmahal sa pamilya, at matulungin sa kapwa. Isang 25-year-old na may rare medical condition na tinatawag na panhypopituitarism na nakaapekto sa kanyang paglaki. Bagama't may kakaibang kondisyon, hindi ito magiging hadlang kay Rambo na tuparin ang pangarap at makatulong sa kapwa.

2 of 12

Michael De Mesa bilang Eduardo Malaque

Marangal, kagalang-galang, at handang magparaya para sa bayan. Lolo ni Rambo na magtuturo sa kanyang pasukin ang mundo ng politika.

3 of 12

Eula Valdes bilang Esmeralda Vergara

Ganid sa kapangyarihan, mapagsamantala, at matapobre. Mahigpit na kalaban nina Rambo at Eduardo sa politika.

advertisement
4 of 12

Rafael Rosell bilang Albert Vergara

Anak ni Esmeralda at magiging karibal ni Rambo sa politika. Mapagmahal nang wagas. Hangad niya na maramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya, hanggang sa isang rebelasyon ang babago sa kanyang buhay.

5 of 12

Alfred Vargas bilang Gregory Agapito

Mapagmahal na padre de pamilya. Palabiro at all-out ang support para sa kanyang mga anak na sina Rambo, Raine, at Rylie. Gagawin niya ang lahat para maitaguyod ang pamilya.

6 of 12

Nadine Samonte bilang Juday Agapito

Mapagmahal na asawa at ina. Siya ang source of wisdom ng kanyang mga anak na sina Rambo, Raine, at Rylie.

advertisement
7 of 12

James Blanco bilang Rigor

Kanang-kamay ni Esmeralda Vergara. Handa niyang gawin ang lahat, kahit ang pumatay, maprotektahan lang ang kanilang posisyon at kapangyarihan. Pero ano kaya ang matinding lihim na itinatago niya kay Esmeralda?

8 of 12

Matt Lozano bilang Ompong

Matalik na kaibigan ni Rambo at kasama sa mga kalokohan. Pero sa oras ng kagipitan, palaging to the rescue sa kanyang best friend.

9 of 12

Althea Ablan bilang Raine Agapito

Nakababatang kapatid ni Rambo at supportive na kapatid. Pero iibig siya sa lalaking mula sa angkan ng pamilyang karibal ni Rambo at Eduardo sa politika.

advertisement
10 of 12

Princess Aliyah bilang Rylie Agapito

Bunsong kapatid ni Rambo. Makulit, pasaway, at may pagka tomboy. Selos siya kay Rambo dahil kahit siya ang bunso, laging na kay Rambo ang atensyon ng mga magulang bilang may kakaiba itong kondisyon.

11 of 12

Bryce Eusebio bilang Cliff

Si Cliff ay matalik na kaibigan ng bunsong kapatid ni Rambo na si Riley. Pangarap niya na maging isang pulis at palaging naririyan para sa magkakapatid na Agapito.

12 of 12

Abdul Raman bilang Joryl Vergara

Anak ni Albert Vergara at apo ni Esmeralda. Maloko sa babae, ngunit magbabago nang makilala at ma-in love kay Raine na kapatid ni Rambo.

advertisement

Around GMA