Meet the cast of Korean melodrama series 'Eve'

GMA Logo Seo Yea ji, Park Byung eun, Yoo Sun

Photo Inside Page


Photos

Seo Yea ji, Park Byung eun, Yoo Sun



Nagbabalik ang umaatikabong Korean melodrama series na 'Eve' sa GTV.

Nitong Linggo, April 7, nag-umpisa ang istorya ng gagawing paghihiganti ni La-el, na ginagampanan ng Korean actress na si Seo Yea-ji.

Bata pa lamang si La-el ay inalis na sa kaniya ang lahat--pera, pamilya, at kasiyahan. Lahat ng ito ay kinuha sa kaniya ng mga mayayamang tao na kinain na ng kasakiman.

Ang pagkamatay ng kaniyang ama at pagkasira ng kanilang pamilya ang mag-uudyok sa kaniya upang isakatuparan ang kaniyang planong paghihiganti, na binuo niya sa loob ng 13 taon.

Ang pangunahing target niya ay ang ang CEO ng LY Group business empire na si Connor (Park Byung-eun), isa sa mga dahilan ng pagkawala ng kaniyang ama.

Sisirain ni La-el ang relasyon ni Connor sa asawa nitong si Silvia (Yoo Sun) na anak naman ng isang kilalang politiko.

Aakitin ni La-el si Connor hanggang sa magkahiwalay sila ni Silvia at mapabagsak niya ang kumpanya nito.

Ang 'Eve' ang isa sa mga pinag-usapang Korean drama series noong 2022.

Huwag palampasin ang kanilang mga intense na eksena sa 'Eve,' Lunes hanggang Linggo, tuwing 5:00 p.m., sa GTV!

Samantala, kilalanin ang mga beteranong aktor at aktres na bumubuo sa 'Eve' sa gallery na ito.


Seo Yeai-ji bilang La-el/Sabrina
Park Byung-eun bilang Connor
Yoo Sun bilang Silvia
Lee Sang-yeob bilang Andrew
Lee Ha-yul bilang Jeffrey
Jeon Gook-hwan bilang Pablo
Leel Il-hwa bilang Martha
Eve

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ