Meet the cast of Thai series 'The Love Trap'

GMA Logo The Love Trap

Photo Inside Page


Photos

The Love Trap



Nagsimula na ang kakaibang time travel adventure nina King (Tao Sattaphong Phiangphor) at Pearl (Fern Nopjira Lerkkajornnamkul) ng fantasy mystery series na 'The Love Trap' sa GTV.

Ang 'The Love Trap' ay iikot sa pagresolba nina King at Pearl ng murder case na kanilang kinasasangkutan sa kasalukuyan at nakaraan.

Sa paghahanap ng police investigator na si King ng clue sa murder case ng isang sikat na restaurant owner ay makikilala niya si Pearl, isang dessert chef na pinagsususpetsahang may kinalaman sa murder case. Nang mahulog sa ilog kasama si Pearl ay bigla na lamang silang bumalik sa taong 1913.

Sa paghahanap ng paraan kung paano makababalik sa kasalukuyan, nadawit naman sina King at Pearl sa isang murder case ng isang mayamang pamilya.

Makakasama nina Tao at Fern sa seryeng ito sina Puri Hiranprueck (Tomas), Ben Raviyanun Takerd (Mutya), Amy Amika Klinpratoom (Imelda), at Tye Nattapol Leeyawanich (Danilo).

Subaybayan ang The Love Trap, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.

Kilalanin ang cast ng 'The Love Trap' sa gallery na ito:


King
Pearl
Tomas
Danilo
Mutya
Imelda
The Love TrapĀ 

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'