The Voice Kids
Meet the finalists of 'The Voice Kids'

Ilang araw na lang, mangyayari na ang inaabangang grand finals ng biggest singing competition na 'The Voice Kids.'
Ngayon pa lang, mainit na ang laban sa pagitan ng apat na finalists na sina Yana Goopio, Marian Ansay, Giani Sarita, at Sofia Mallares. Kaya naman puspusan na ang kanilang paghahanda para sa pinaka exciting na parte ng kompetisyon sa tulong ng kanilang coaches.
Sa huli, boses ng taumbayan ang mananaig dahil ang tatanghaling grand winner ng The Voice Kids ay matutukoy sa pamamagitan ng online voting na magbubukas mismo sa gabi ng finals.
Pero bago ang inaabangang bakbakan ng boses, kilalanin ang finalists na maghaharap-harap sa entablado ng The Voice Kids sa darating na Linggo, December 14.







