"Thankful at grateful" si Karen Bordador sa lahat ng natatanggap na magagandang komento matapos ang matagumpay niyang pagho-host sa "First Asia Fan Meeting Tour" sa Manila ng South Korean actor na si Seo In-guk.
Ito ay sa kabila ng kontrobersiya sa nasabing event matapos na magkaroon ng last minute na pagbabago sa host kung saan siya ang ipinalit sa celebrity vlogger na si Kristel Fulgar.
"Thank you so much for all the DMs, for all the messages. For everyone that attended the event, I'm so grateful to all of you. It really warmed my heart. It really inspired me to just wanna do better in my craft because hosting is a passion," sabi ni Karen sa kanyang vlog.
"And when someone messages that, you know, the event became really fun, it was so exciting, especially when they say they got closer to their star because I was able to facilitate it right, it makes me feel like, 'It's so sweet,'" dagdag niya.
Bukod sa pagiging event at TV talk show host, radio DJ, influencer, at content creator, abala rin si Karen ngayon sa pagbibigay inspirasyon sa mga persons deprived of liberty (PDL) bilang bahagi ng bago niyang simula matapos mahatulang inosente mula sa limang taong pagkakakulong dahil sa kinasangkutang kaso noong 2016 na may kaugnayan sa droga.
Mas kilalanin si Karen Bordador sa gallery na ito:
Kilala si Karen Bordador bilang dating radio DJ ng monster radio RX 93.1, isang modelo, at Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate.
Naging contestant si Karen Bordador ng ABS-CBN romantic reality show na I Do noong 2014, na naging simula niya sa local television.
Noong June 2021, nahatulang "not guilty" si Karen Bordador mula sa limang taong pagkakakulong dahil sa pagkakasangkot sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Matapos na mapabilang sa mga persons deprived of liberty (PDL) ng halos limang taon, naging bahagi ng bagong simula ni Karen Bordador ang pagbisita sa iba't ibang bilangguan para magbigay inspirasyon at pag-asa.
Nabigyan ng pagkakataon si Karen Bordador na maibahagi ang kuwento ng kanyang buhay sa ilang TV shows.
Sa ngayon, nakikilala na rin si Karen Bordador bilang TV talk show host at event host.
Noong June, naging host si Karen Bordador ng solo fan concert sa Manila ng dating 2NE1 member na si Park Bom.
Naging host din si Karen Bordador ng "First Asia Fan Meeting Tour" sa Manila ng South Korean actor na si Seo In-guk, na ginanap noong August 12 sa New Frontier Theater.
Noong January, ibinahagi ni Karen Bordador ang pagbabalik niya bilang radio DJ.
Isa ring influencer at content creator si Karen Bordador na kasalukuyang mayroong mahigit 143,000 followers sa YouTube.