Meet VMX star Azi Acosta

Hindi pagpapaseksi lang ang kayang gawin ng Vivamax talent na si Azi Acosta dahil kahit ang late multi-awarded actress na si Jaclyn Jose ay napansin ang husay nito.
Nagkasama sina Azi at Miss Jaclyn sa pelikulang “Call Me, Alma” (2023) na isinulat ng National Artist na si Ricky Lee at naging director naman nito si Mac Alejandre.
Sa isang panayam sa PEP.Ph, sinabi ng Cannes Film Festival Best Actress na may potensyal si Azi.
“So, ang ganda ng kinalabasan. Kahit na merong sexy scenes, hindi ka maaalibadbaran. Ang ganda ng katawan ni Azi!” pagpupuri ni Jaclyn.
Dagdag pa niya, “Ang ganda ng katawan niya, at hindi ka bastos tingnan. Kasi, mahusay ka,”
Kilalanin pa nang husto ang promising sexy actress na si Azi sa gallery na ito!









