Melanie Marquez, binalikan ang mga pang-aabuso na ginawa ng asawa

Marami ang nagulat sa rebelasyon ni Melanie Marquez nang ibinunyag niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong January 5 ang pang-aabusong naranasan mula sa asawa na si Randy Lawyer.
Pag-amin ni Melanie, noong ikinasal sila ni Randy noong 2000, ang mindset umano niya ay gusto niyang magtagal ang relasyon nila. Sa katunayan, paghihirapan niya ang pangarap niyang magkaroon ng buong pamilya.
“But along that way, marami siyang -- I [was] verbally abused, iniinsulto niya ako, emotionally, financially, and mentally. Kasi magaling siyang magsalita, e palibhasa in love ako, Tito Boy,” sabi ni Melanie.
Kuwento ni Melanie, bago pa man sila ikasal noong 2000, puro away na lang ang ginawa nila. Kahit noong lumipat sila sa Utah, pinagtrabaho pa siya ni Randy, dahilan para mamatayan siya ng anak habang nagtatrabaho sa farm.
Alamin sa gallery na ito ang iba't ibang pang-aabuso na dinanas ni Melanie kay Randy sa gallery na ito:









