
Buong-loob na inihayag ni Melanie Marquez sa publiko ang plano niyang pakikipag-divorce sa kanyang asawang si Randy “Adam” Lawyer.
Ito ay kasabay ng paglalahad niya tungkol sa hiling na pagpapawalang-bisa ng visa at pagpapa-blacklist ng huli sa bansa sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, January 5.
Isa sa mga deretsang tanong ni King of Talk Boy Abunda sa kaniyang panayam ka Melanie ay kung idi-divorce na ba niya ang kaniyang asawa matapos ang pang-aabuso na ginawa nito sa kaniya at sa kaniyang mga anak.
Sagot ni Melanie, “Yes, I want to be happy. After all, I'm 64, all I wanted [was] to have peace of mind, I deserve that. I want to be happy. I want to grow, I want to rise again because he pinned me down hanggang I lost my dream, my dream to become a lawyer.”
Pagpapatuloy ni Melanie, ang ginusto lang naman niya noon ay isang masayang buhay kasama si Randy at kanilang mga anak, bilang masayang pamilya. Sa kasamaang palad, hindi ito ang nangyari.
Nabanggit din ni Melanie, bata pa lang ang kaniyang mga anak ay gusto na niyang i-divorce sana si Randy, ngunit nanatili siya para sa kanilang mga anak, lalo na kay Abraham.
Pag-alala ni Melanie, noong tinawagan siya ng anak para tanungin kung may pinagsabihan ba siya ng kaniyang sitwasyon ay inalala niya ang hiling ng anak noong unang nakikipaghiwalay na siya kay Randy.
Ani Melanie, “Abraham, when I was divorcing your father, you were still a little boy. You came to me, I saw it through your eyes, asking me, 'Ma, don't leave me. You divorce my father, you won't be able to see me.' I withdrew my divorce because I don't want you to feel that I left you.”
Related gallery: Celebrity ex-couples na nanatiling magkaibigan para sa anak
Pero ngayon, buo na umano ang desisyon ni Melanie na makipag-divorce sa kaniyang asawa. Ngayon na matatanda na ang kaniyang mga anak, sa tingin niya ay panahon na para isipin naman ang sariling kapakanan.
“I'm not a selfish person, Tito Boy. Hindi ko inintidi ang sarili ko, lagi kong iniintindi ang mga anak ko, 'yung karamdaman nila. But this time, I wanna be happy. I want to be at peace,” sabi ni Melanie.
Sa ngayon, ang hiling lang ni Melanie para sa sarili at sa mga anak na nasaktan ng asawa ay makapaghilom sila. Nilinaw naman ng dating beauty queen na hindi niya pinipigilan ang mga anak na mahalin pa rin si Randy.
“I just want them to heal. Ako, I want to heal, I want to heal Adam, I want Adam to heal, and also Mazen,” sabi ni Melanie.
Panoorin ang buong panayam ng Fast Talk With Boy Abunda kay Melanie sa video sa itaas.
Samantala, tingnan ang celebrity couples na nauwi sa divorce o annulment ang kanilang kasal:
















































