Melanie Marquez on sudden disappearance: 'I was abducted'

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes (January 5), sinagot ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez ang tanong ni Boy Abunda kung ano ang nangyari sa kanya noong panahong bigla na lamang siyang nawala at hindi nagparamdam.
Ayon kay Melanie, mayroong kumidnap sa kanya: "In-abduct ako. I was kidnapped against my will. I was judged. Nobody talked to me. I cannot talk to anyone. My phone got hacked. Birthday ko mismo nu'ng in-abduct ako."
Pagpapatuloy niya, "Because I filed the case against Randy (husband), 'yung suntok niya sa akin. Nawala ako. So nu'ng nawala ako, nilagay ako sa mental hospital. Thinking sira ulo ako. Well, in fact, I'm taking care of my two boys and then I'm having a construction sa binili kong lupa. Bigla akong nawala. I was only invited to celebrate my birthday, but I never thought that this celebration will be my trauma."
Ikinuwento rin ni Melanie noong sapilitan siyang ipinasok sa mental hospital.
"Nagulat nga ako. In-abduct ako tapos ininjectionan nila ako, I cannot move. And I was crying because it was clear enough a betrayal of trust. I don't wanna mention anybody, but I was hurt.
"Then noong iniwan ako roon sa facility, tinatawag ko sila, 'Bakit ako naiwan dito?' Hinila ako ng facility ng mental hospital, hindi ko pa alam na mental hospital 'yon tapos dinala nila ako sa fourth floor. Tinali nila ako. Sabi ko, 'Bakit ninyo ako tinatali, hindi naman ako nagwawala.' Mandatory daw."
Nang tanungin n'ya raw kung nasaan siya, sagot ng facility, "Mental hospital po 'to... Pasig."
Para kay Melanie, ang pinakamasakit pa sa karanasang ito ay inilayo siya sa kanyang mga anak. Kuwento pa ng beauty queen-actress na pinagbintangan siyang papatayin niya ang kanyang mga anak at papatayin nito ang kanyang sarili.
"Hindi ko papatayin ang sarili ko at lalong hindi ko papatayin ang mga mahal ko sa buhay, na silang strength ko. My two autistic boy (Mazen and Adam), I can feel their love to me."
Kuwento pa ni Melanie, inilipat siya umano sa rehab pagkatapos na dalhin sa mental hospital. Aniya, 10 days siya sa mental hospital at eight months naman sa rehab.
Sa lahat ng nangyari sa kanya, hiling ni Melanie sa Diyos: "To be healed. I want to heal, completely. I want my children to heal whatever they're going through."
Samantala, ikinuwento rin ni Melanie kay Boy Abunda ang ginawang pagsulat sa Bureau of Immigration noong November 2025 para i-request ang pagkakansela ng visa ng asawang si Randy "Adam" Lawyer at ma-blacklist ito sa bansa dahil sa alegasyon ng pang-aabuso.
Ikinasal sina Melanie at Adam noong June 2000 at nagkaroon ng dalawang anak sina Adam (2001) at Abraham (2003). Mayroon pang apat na anak si Melanie: Si Miguelito na anak niya kay Lito Lapid, Mazen mula sa Arab businessman, at sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at Maxene Xuxa mula kay Derek Dee.
RELATED: Most memorable quotes of Melanie Marquez










