Fast Talk with Boy Abunda

Melanie Marquez, pinapa-blacklist at pinakakansela ang visa ng asawa sa Bureau of Immigration

GMA Logo Melanie Marquez

Photo Inside Page


Photos

Melanie Marquez



Isang rebelasyon ang ibinahagi ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez tungkol sa kanyang buhay at asawa sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, January 5.

Ikinuwento ni Melanie kay King of Talk Boy Abunda ang ginawa niyang pagsulat sa Bureau of Immigration noong November 11, 2025 para i-request ang pagkakansela ng visa ng asawang si Randy "Adam" Lawyer at mapasali sa mga blacklisted. Aniya, ito ay dahil sa alegasyon ng pang-aabuso.

"I've been very patient. Kasi nu'ng kinasal kami ni Adam, talagang nag-mindset ako, 'I want this marriage to last.' I'm going to work very hard because ito talaga ang dream ko, dream kong magkaroon ng pamilya. But along that way marami na siyang... you know, I'm verbally abuse. Iniinsulto na niya ako emotionally, financially, and mentally. Kasi, magaling siyang magsalita. E palibhasa in love ako, Tito Boy."

Ikinuwento rin ni Melanie ang isang insidente noong March 2022, na kasama sa sulat niya sa Bureau of Immigration, kung saan bigla na lamang siyang sinuntok ng asawa sa kanang tenga habang natutulog.

"Natutulog ako, Tito Boy, magkatabi kami. 'Tapos, akala ko napanaginipan kong may sumuntok sa akin. But then, naalinpungatan ako. Parang nakita ko siyang nakatingin sa akin tapos sinuntok n'ya ako," kuwento niya.

Nang tanungin niya ang asawa kung bakit siya sinuntok, sagot umano ni Adam, "I was dreaming. I don't know this happened."

Dahil sa nangyari ay agad na pumunta si Melanie sa pulis at nag-report. Pumunta rin siya sa ospital para ipatingin ang kanyang tenga at makakuha ng medical certificate: "Ang finding, may damage sa eardrum ko."

Bukod dito sa pag-report sa pulis ay pumunta rin si Melanie sa barangay para paalisin ang asawa sa bahay.

Aniya, "Para protective order sa akin. Pinaalis siya. 'Tapos, hindi niya makalimutan 'yon. Sabi niya sa akin, siya pa 'yung parang galit, 'Alam mo hindi ko makakalimutan 'yung pinaalis mo ako sa sarili kong condo...' Ayaw n'yang i-recognize 'yung mga accountability niya and behavior niya."

Related gallery: Celebrity couples who split in 2025

Ayon kay Melanie, bago pa man ang pangyayaring ito ay naranasan na niyang tutukan ng baril ng asawa dahil sa problema sa negosyo.

Ikinuwento rin ni Melanie ang nangyari sa kanya noong October 2025 kung saan umano ay muli siyang nasaktan ng asawa matapos ang kanilang pagtatalo, dito nabali umano ang kanyang third rib.

Buo ang paninindigan ni Melanie sa pagsulat sa Bureau of Immigration para makansela ang visa at ma-blacklist ang asawang si Adam sa Pilipinas.

"I don't want him to come back here," sabi ni Melanie.

Ikinasal sina Melanie at Adam noong June 2000 at nagkaroon ng dalawang anak sina Adam (2001) at Abraham (2003).

Bukod kina Adam at Abraham, mayroon pang apat na anak si Melanie: Si Miguelito na anak niya kay Lito Lapid, Mazen mula sa Arab businessman, at sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at Maxene Xuxa mula kay Derek Dee.

Related gallery: Melanisms: Most memorable quotes of Melanie Marquez



Binibining Pilipinas
Natatawa

Debate panelist

Sheep and lambs

Not getting the awards

Dahil sa Baron

Around GMA

Around GMA

Some Jesus Nazareno devotees brought to hospital amid Traslacion 2026
All-out search for missing workers in landslide at Cebu landfill
LRT-2 to allow barefoot devotees during Traslacion 2026