Metropop divas, magsasama-sama para sa 'Stars Reignited' concert

Magsasama-sama ang female alumni ng 'Metropop Star Search' para sa concert na 'Stars Reignite,' na gaganapin sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City sa September 5.
Ang 'Metropop Star Search' ay dating singing competition na ipinalabas noon sa GMA Network. Ito ay hango sa original songwriting contest na Metro Manila Popular Music Festival mula sa '70s. Na-revive naman ito noong '90s bilang Metropop Song Festival.
Sa 'Star Reignite concert,' mapapanood sina Faith Cuneta (1997 second place), Champagne Morales (1998 champion), Roxanne Barcelo (1998 second place), Xaxa Manalo (1998 third place), Miles Poblete (1999 champion) Anna Katrina Lara (2000 champion), at Camille Velasco (2000 second place). Makakasama rin sa naturang concert si Cye Soriano.
Sa ginanap na media conference para rito noong Sabado, August 1, nakuwento ni Miles na nagsimula ang idea ng Stars Reignite nang maimbitahan sila sa Family Feud.
“Sa bahay ni Xaxa, pinanoood namin. 'Tapos, usap-usap, 'Magkakasama na rin naman tayo, bakit di kaya gumawa na rin tayo ng show?' Tinanong ko sila kasi, di ba, sayang ang opportunity. Nagkatuwaan lang, napag-usapan lang, 'Ano game kayo?' Sabi nila, 'Game!' So from there, humingi na ako ng tulong kay Cye Soriano.”
Ayon naman kay Cye, bago pa ito ay napag-uusapan na nila ni Miles na gumawa ng show ng magkakasama ang Metropop Star Search winners. Isa siya sa mga naging koneksyon ng ilan sa kanila para muling magkasama-sama sa isang concert.
Sa ngayon, hindi na madalas napapanood sa mainstream media ilang sa kanila. Gayuman, sabi nila, hindi raw nawala ang kanilang passion for music.
“Hindi po talaga nawawala yung passion namin for music kahit iba-iba na ang ginagawa namin. We always go back to our love for music,” ani Champagne.
Alamin ang pahayag ng mga kapwa niya Metropop winners sa gallery na ito:






