Mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby, bumisita kay First Lady Liza Marcos

“Unexpected.”
Iyan ang isa sa mga salitang ginamit ng netizens para ilarawan ang pagbisita ng mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby sa opisina ni First Lady Liza Marcos.
Sa post ng First Lady sa kaniyang social media account, makikita ang larawan nina Bimby, Josh, at First Lady Marcos, kalakip ang caption na “Thank you Bimby and Josh for dropping by. It was so nice to see you guys after all these years.”
Sa comments section ng post, marami ang nagulat at natuwa sa pambihirang pagkikita ng manugang ng yumang pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., at ng mga apo ng yumaong senador Ninoy Aquino.
Isa sa mga netizens, nag-comment na “best picture of the year” umano ang litrato ng tatlo, habang isa naman ay sinabing “epitome of freindship and acceptance” ang pagkikitang iyon.
Samantala, isang netizen naman ang nagkomento tungkol sa paglaki ng dalawang bata “diligently” sa pagbibigay ng respeto sa first lady.
Aniya, “Well-mannered kids good job Kris for your upbringing with your children, praying for your recovery Kris”
May nagkomento rin na “raised well” sina Josh at Bimby, samantalang isa naman ang nagsabing marespeto at mapagpakumbaba ang dalawa.
Inilarawan naman ng isang netizen bilang “nice and very touching” ang litrato ng tatlo.
Maganda rin umano para sa isang netizen na binisita nina Josh at Bimby si First Lady Marcos sa kaniyang opisna.
Isang netizen naman ang nagkomento, “Who could ever imagine that these kids can heal the past wounds?”
Maganda rin para sa isa pang netizen na makasama nina Josh at Bimby si First Lady Marcos.
Isang netizen din ang nagkomento na ganito dapat pinapalaki ang mga anak, at sinabing hindi naman dapat ma-involve ang mga anak sa issues noon.
“Well, this is how a good parent raised their children. Never involve your children as you might also corrupt their innocence. Make this an example to all parents out there don't put hate in their hearts ” sulat nito.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may interaksyon ang mga Aquino at Marcos pagkatapos ng People Power Revolution.
Noong may morning show pa si Kris ay naka one-on-one interview niya ang Pangulong Bongbong Marcos Jr. Noon namang pumanaw ang dating pangulong si Cory Aquino ay nandoon rin si Bongbong at kapatid nitong si Imee Marcos.
Samantala, tingnan sina Josh at Bimby kasama ang kanilang inang si Kris nang magbakasyon sila sa Boracay:








