Mga artistang mapanonood sa dalawang 2025 MMFF entries

Kumpleto na ang lahat ng entries para sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong 2025.
Inanunsiyo noong Biyernes ng gabi, October 10, ang second batch ng mga pelikulang maglalaban-laban sa prestihiyosong film festival ngayong taon.
Kabilang diyan ang I'mPerfect na pagbibidahan nina Krystel Go and Earl Amaba--dalawang aktor na may Down syndrome, at UnMarry na comeback movie ni Angelica Panganiban.
Pasok din bilang official MMFF entry ang Bar Boys: After School, sequel ng critically-acclaimed na 2017 film na Bar Boys, at Love You So Bad na much-awaited movie ng PBB stars na sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera.
Una nang inanunsiyo noong nakaraang July ang first batch ng official entries na kinabibilangan ng Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre, family movie na Rekonek, Manila's Finest na pagbibidahan ni Piolo Pascual, at horror anthology film na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Ilang artista ang may dalawang official entries sa 51st MMFF. Kilalanin sila sa gallery na ito.









