advertisement
Showbiz News

Mga celebrities na naghatid ng tulong sa frontliners

1 of 34

Alden Richards

Hindi nakalimutan ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards ang dati niyang eskuwelahan na Paco Catholic School na binuksan ang kanilang pintuan para sa mga street dweller. Bukod sa donasyon sa naturang paaralan, nagpaabot din ng ayuda si Alden sa Don Bosco Makati, kung saan nagamit nila ang ibinigay ni Alden sa pagbili ng personal protective equipment (PPE) at pagkalinga nila sa mga homeless. Tumulong din ang Kapuso prime actor sa frontliners sa Laguna katuwang si Representative Len Alonte. Katulong ni Alden sa paghahatid ng donasyon ang kanyang pamilya

2 of 34

Heart Evangelista

Mga face masks ang inihatid ni Heart Evangelista sa mga frontliners. Bukod sa mga ito, walang sawa rin si Heart sa pagtulong sa mga kababayan sa Sorsogon at sa mga kababayan nating humihingi ng tulong sa kanya via her Twitter account.

3 of 34

Dingdong Dantes and Marian Rivera

Ang Menudo na personal na inihanda ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga frontliners. Saad ni Dingdong, "Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat. Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito."

advertisement
4 of 34

Angel Locsin

Si Angel Locsin ay tumugon sa pangangailangan ng health workers sa pamamagitan ng pag-donate ng tents. Kasama sa kanyang donasyon ay ang ilang kagamitan para sa health workers tulad ng face masks.

5 of 34

Solenn Heussaff and Nico Bolzico

Sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico naman ay nakisali sa proyekto ni Angel Locsin para makatulong sa health workers.

6 of 34

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Pagkatapos ng kanilang kasal, isang fund-raising campaign ang inihanda nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa mga frontliners.

advertisement
7 of 34

Ruffa Gutierrez

Na-inspire umano si Ruffa Gutierrez sa bayanihan para sa mga frontliners kaya agad rin siyang gumawa ng aksyon para makatulong. Naghatid rin siya ng tulong sa mga drivers na apektado ng enhanced community quarantine.

8 of 34

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo

Si Judy Ann Santos ay ginamit ang kanyang talento sa pagluluto para sa mga frontliners. Nagtulungan din sila ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo sa paggawa ng face shields.

9 of 34

Pia Wurtzbach

Naghatid ang Miss Universe 2015 ng face masks para sa mga health workers ng 12 hospitals.

advertisement
10 of 34

Megan Young

Si Megan Young ay nagbigay ng atensyon sa mga frontliners ng mga provincial hospitals.

11 of 34

Anne Curtis

Si Anne Curtis ay nakipagtulungan sa UNICEF para maghatid ng tulong sa frontliners

12 of 34

KC Concepcion

Nagpadala naman ng ready-to-eat meals si KC Concepcion para ipakita ang kanyang suporta sa health workers.

advertisement
13 of 34

Carmina Villarroel

Si Carmina Villarroel ay nagpadala rin ng packed meals para sa mga frontliners.

14 of 34

Mavy Legaspi

Sa TikTok challenge naman idinaan ni Mavy Legaspi ang kanyang pagtulong sa mga frontliners. Nakasama niya rito ang kanyang pamilya na sina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Cassy Legaspi at ilan sa kanyang mga kaibigan.

15 of 34

Vicki Belo, Hayden Kho and Scarlet Snow Belo

Agad ring naghatid ng tulong sina Vicki Belo, Hayden Kho at Scarlet Snow Belo sa pamamagitan ng paghahatid ng PPEs at face masks sa mga frontliners.

advertisement
16 of 34

Neri Miranda

Si Neri Miranda naman ay ibinahagi ang kanyang talent fee para makabili ng PPE para sa frontliners.

17 of 34

Gabbi Garcia and Khalil Ramos

Ang celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ay nag-fund raiser para sa PPE ng mga frontliners. Nakipagtulungan rin si Gabbi sa kanyang pamilya para makapagpadala ng packed meals sa ilang health workers.

18 of 34

Joyce Pring and Juancho Trivino

Dahil alam umano nina Joyce Pring at Juancho Trivino ang paghihirap na kinakaharap ng health workers, agad silang nagpadala ng tulong sa dalawang ospital.

advertisement
19 of 34

Kylie Verzosa and Jake Cuenca

Sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca ay agad ring nagpadala ng tulong sa mga health workers sa pamamagitan ng pag-donate ng packed meals.

20 of 34

Shaira Diaz

Ang Kapuso actress ay nagsagawa rin ng fund raiser para makapag-donate ng mga PPE sa mga health workers. Kasama niya sa proyektong ito ay ang ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan.

21 of 34

Janine Gutierrez

Ang "The Bright Side Project" na fundraising initiative ni Janine Gutierrez ay nais makapaghatid ng PPEs para sa frontliners. Nais din niyang tulungan ang underprivileged communities sa Ateneo X Tanging Yaman Foundation.

advertisement
22 of 34

Bea Alonzo

Si Bea Alonzo naman ay ipinagluto ang mga frontliners. Aniya, "the core reason why I cooked in the first place is to give a little joy to our frontliners, and just by doing that, I already felt fulfilled."

23 of 34

Antoinette Taus

Ang CORA founder na si Antoinette Taus ay isa sa mga celebrities na naghatid ng pagkain sa mga frontliners.

24 of 34

Team Kramer

Ang Team Kramer ay nag-donate ng pagkain, pati na rin ng ilang medical supplies sa mga frontliners na health workers.

advertisement
25 of 34

Jasmine Curtis-Smith

Para sa 26th birthday ni Jasmine Curtis-Smith, naghatid siya ng pagkain sa mga frontliners sa iba't ibang ospital.

26 of 34

Juancho Trivino, Thea Tolentino, and Mikoy Morales

Sina Juancho Trivino, Thea Tolentino, Mikoy Morales at ilan pa sa kanilang mga kaibigan ay binuo naman ang RelievePH para makapaghatid ng mga PPE at meals sa mga frontliners.

27 of 34

Julie Anne & Maricris

Buong pusong ibinigay nina Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose at Kapuso singer Maricris Garcia sa 'Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19' campaign ng GMA Kapuso Foundation ang kinita nilang pera sa isang fundraising concert ng e-commerce company. Gagamitin ang pera na ito para makapaghandog ng medical supplies sa COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital.

advertisement
28 of 34

Anthony Rosaldo

Isa rin sa tumulong sa 'Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19' campaign ng GMA Kapuso Foundation ang Kapuso singer na si Anthony Rosaldo. Ibinigay rin niya bilang donasyon ang pera na kinita sa isang fundraising concert ng isang e-commerce platform. l

29 of 34

Arnold Clavio

Nakalikom ang award-winning TV/radio anchor na si Arnold Clavio ng mga personal protective equipment (PPE) para sa frontliners sa pamamagitan ng natanggap niyang donasyon sa IGAN foundation.

30 of 34

Lovi Poe

Humingi ng donasyon si Lovi Poe sa kanyang followers sa Instagram para mag-donate ng pera para sa ginagawang personal protective equipment ng mga kaibigan niyang fashion designers.

advertisement
31 of 34

Baeby Baste

Nagbigay ang 'Eat Bulaga' child star na si Baeby Baste ng care packages sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) pati na rin sa mga frontliner na nagpositibo sa COVID-19. Ayon sa report ng GMA News Online, tinamaan din ang tatay ni Baste na si Papa Sol ng coronavirus pero ito ay naka-recover na sa sakit.

32 of 34

Rocco Nacino

Imbes na mag-party, mas pinili ni Kapuso actor Rocco Nacino na ipagdiwang ang kanyang 33rd birthday kasama ang kanyang fellow Navy reservists at officers na nagbibigay ng pagkain at tubig sa mga sundalong naka-duty habang may COVID-19 pandemic.

33 of 34

Rhian Ramos

Si Rhian Ramos ay nagpadala ng ready to eat meals para sa mga frontliners ng Philippine Navy at East Avenue Medical Center, pati na rin sa GRACES Home for the Elderly.

advertisement
34 of 34

Rivero family

Naging abala ang buong pamilya ng UP Fighting Maroons star player na si Ricci Rivero sa pagbibigay ng personal protective equipment sa mga ospital sa probinsya ng Isabela. Nagbigay din sila ng tulong sa mga tumatao sa PNP checkpoints sa kanilang lugar.

Around GMA