Mga eksenang tinutukan sa Grand Alumni Homecoming event sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

Walang patid sa pagtutok ng napakaraming mga Pinoy sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ang serye ay pinagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Sa previous episodes nito, napanood ang mga nakakaaliw at nakakagigil na eksena habang nasa isang Grand Alumni Homecoming event ang mga karakter sa serye.
Kabilang sa mga sinubaybayan ng mga manonood ay kung ano-ano ang mga ginawa nina Moira at Zoey (Pinky Amador and Kazel Kinouchi) para ipahiya ang mag-ina na sina Lyneth at Analyn (Carmina and Jillian).
Silipin ang ilang mga naging kaganapan sa previous episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap sa gallery na ito.
















