Mga Kapuso at Kapamilya stars na napanood sa magkabilang TV networks

Ngayong 2023, naging bukas ang GMA at ABS-CBN sa collaborations ng dalawang malalaking broadcast companies sa Pilipinas.
Nagsimula ang collaboration ng dalawang network sa Unbreak My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, at Gabbi Garcia. Ito ang kauna-unahang proyekto ng GMA at ABS-CBN kasama ang Viu Philippines.
Kasunod nito, nagsimula na ring mapanood sa GTV ang noontime show na It's Showtime. Dahil dito, nabigyan ng pagkakataon ang mga Kapuso at Kapamilya artists na lumabas sa programang mapapanood sa dalawang networks.
Bago matapos ang 2023, balikan ang mga artistang nag-crossover sa GMA at ABS-CBN sa mga larawang ito.





























