Mga naging anak-anakan ni Jaclyn Jose sa showbiz, nagbigay ng mensahe sa kanyang pagpanaw

Nagluluksa ang local entertainment industry ngayon sa biglaang pagpanaw ng batikan at multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa edad na 60.
Ayon sa ilang report, natagpuang wala ng buhay ang aktres sa kanyang bahay sa Quezon City nang bisitahin matapos na hindi na ito sumasagot sa mga tawag at messages ng kanyang mga kamag-anak.
Noong Linggo, March 3, kinumpirma ng PPL Entertainment, management ni Jaclyn Jose, ang pagpanaw ng beteranang aktres.
Ayon sa pahayag ni Andi Eigenmann ngayong Lunes (March 4), pumanaw ang kanyang ina noong umaga ng March 2 dahil sa heart attack.
Bukod sa mga kaibigan at mga nakatrabaho sa entertainment industry, nagpaabot din ng madamdaming mensahe ang mga naging anak-anakan sa showbiz ni Jaclyn Jose. Basahin sa gallery na ito.







