Encantadia Chronicles: Sang'gre
Mga Sinaunang Pashnea at ilan pang dapat abangan sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

Magaganap na ang pinakamalaki, pinakamasakit, at pinakamatinding sagupaan ng mga Sang'gre laban sa kasamaan sa natitirang dalawang linggo ng hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Ipinasilip na ang pagdating ng mga Sinaunang Pashnea o ang Spirit Animals ng mga brilyante, na magiging dagdag kapangyarihan at makakatuwang ng mga bagong tagapangalaga na sina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali).
Narito ang ilang mga eksenang hindi dapat palampasin sa Encantadia Chronicles: Sang'gre:









