advertisement
TV

Mhyca Bautista, Cherry Ann Panganiban, paano ba nakapasok sa SexBomb Girls?

1 of 10

Maagang simula

Bata pa lang nang maging parte ng SexBomb Girls sina Mhyca at Cherry Ann. Si Mhyca, 11 years old pa lang, habang si Cherry Ann naman, 14 years old.

2 of 10

Dance contest

Pagbabahagi ni Mhyca, bata pa lang ay may kagrupo na siya sa Pampanga kung saan nagpapanggap sila bilang mga miyembro ng SexBomb Girls.

3 of 10

Audition

Idol na idol niya ang leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan. Kaya naman, noong malaman ni Mhyca na may pa-audition para sa SexBomb Girls, nasabi niya sa sarili, "'Kailangan kong mag-audition kasi pangarap kong maging SexBomb."

advertisement
4 of 10

Pampanga to Manila

Mula Pampanga, lumuwas si Mhyca sa Manila para sumali sa contest at doon niya nakasabay si Cherry.

5 of 10

SexBomb Showdown

Sumali sina Mhyca at Cherry noon sa pa-contest ng Eat Bulaga na SexBomb Showdown, hanggang sa maipanalo nila ang contest.

6 of 10

Showdown Sweethearts

Naging parte muna sila ng hiwalay na grupo na tinawag na Showdown Sweethearts. Ayon kay Cherry Ann, "Pinantatapat po kami sa SexBomb, parang pinangsho-showdown po kami."

advertisement
7 of 10

SexBomb Girls

Pagbabahagi pa ni Mhyca, sinabi nu'n ng manager ng grupo na si Joy Cancio na kulang ang miyembro ng grupo at inalok sila maging parte nito.

8 of 10

Fulfilling the dream

At dahil ito naman ang pangarap nila, um-oo kaagad sina Cherry Ann at Mhyca maging tuluyang parte na ng SexBomb Girls.

9 of 10

Kabataan

Ngunit dahil nga mga bata pa lang ay nagsimula na silang magtrabaho, aminado si Mhyca hindi niya na-enjoy ang kaniyang kabataan dahil na nagtatrabaho na siya sa edad na 11. Pero ang ikinatuwa niya, ang makatulong na siya sa kaniyang pamilya sa murang edad.

advertisement
10 of 10

Highschool life

Na-miss naman umano ni Cherry Ann ang high school life at inaming nanghinayang siyang hindi niya naranasan ang dumalo sa prom.

Around GMA