Beauty

Michael Pacquiao, nagpa-nose lift nga ba?

GMA Logo Michael Pacquiao
Source: Councilor Michael Pacquiao (FB)

Photo Inside Page


Photos

Michael Pacquiao



Muling naging maingay ang pangalan ni Michael Pacquiao, anak ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao matapos maging usap-usapan sa social media ang tila pagbabago sa kanyang looks, partikular na sa kanyang ilong.

Sa isang viral video clip, mapapanood na nakikipag-usap si Michael sa kanyang mga magulang na sina Manny at Jinkee.

Hindi naman nakaligtas sa mata ng netizens ang pagbabago sa ilong ni Michael kung saan ito raw ay mas naging matangos at "refined" na ang shape.

Naging mainit na topic ito nitong nakakaraang araw dahil sa dagsa ng comments mula sa netizens.

Hati ang naging komento ng publiko sa bagong look ni Michael.

May ilang netizens ang humanga at nagsasabing lalong bumagay kay Michael ang kaniyang hitsura matapos ang cosmetic procedure.

“In fairness, bumagay sa kanya,” comment ng isang netizen.

“I think it looks good,” sabi pa ng isa.

May mga netizens namang nagsabing hindi ito bumabagay kay Michael at nanghihinayang sila dahil mas gusto raw nila ang old features nito.

“I disagree, he looks better before,” ani ng isang netizen.

Binigyang-diin naman ng iba na kung totoo man ang usap-usapan, karapatan ni Michael na gawin ang nais niya sa kaniyang katawan.

Sa kabila ng ingay, nananatiling tahimik si Michael at ang pamilya Pacquiao tungkol sa usaping ito.

Kamakailan lang ay lumutang ang pangalan ni Michael matapos maging usap-usapan naman sa social media ang malaking age gap nila ng kaniyang partner na si Joyce Tan Custodio.

Mas nakatutok ang batang politiko sa kaniyang tungkulin bilang councilor sa General Santos City at sa kaniyang music career.

Samantala, kilalanin ang online stars na ito na proud umaming mga retokada sa gallery sa ibaba:


Toni Fowler
Jen Barangan
Bryan Boy
Madam Inutz
Kryz Uy
Alodia Gosiengfiao
Antonette Gail Del Rosario
Cat Arambulo-Antonio
Bea Borres

Around GMA

Around GMA

NBA: Lakers keep stumbling, fall to LaMelo Ball, Hornets at home
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH