Michael V., nagbabala sa fake endorsement gamit ang deepfake video

Nagbigay babala si Michael V. sa kanyang fans at followers tungkol sa isang fake endorsement gamit ang deepfake video.
Sa kanyang Instagram account, ipinakita ng Comedy Genius na si Bitoy ang isang fake video ad para ipaliwanag kung paano ito ginawa gamit ang A.I. o artificial intelligence.
“A.I. was used to replace my mouth movement. They used A.I. para pag-aralan at gayahin 'yung real voice ko. The user created a script para i-lipsync ng mouth animation. These fake photos, alam n'yo na kung ga'no kadaling gawin. Dinoktor din nila yung comments ko para malinis,” paglalarawan niya.
Sa caption, mariing paalala ni Bitoy: “MAGING ALISTO. HUWAG MAGPA-LOKO.”
Dagdag pa niya, “Ang Artificial Intelligence (A.I.), masyado nang tumatalino. Dapat matuto tayong maging mapanuri kung ang pinapanood o binabasa ay fake o totoo. Please REPORT and share.”
Ilang celebrities ang napa-react sa post ni Michael V., na tila may halong pag-aalala.
“Ai is scary,” ani Melissa Ricks.
Pabiro namang hirit ni Joross Gamboa, “Ai nako.”
Samantala, tingnan ang ilang celebrities na umalma sa fake social media account gamit ang kanilang pangalan:












































