Michele Gumabao is now engaged to PBA coach Aldo Panlilio

Engaged na ang celebrity athlete na si Michele Gumabao sa PBA strength and conditioning coach na si Aldo Panlilio.
Formal itong inanunsyo ng Creamline opposite spiker sa kanyang Instagram post, kung saan ibinahagi niya ang ilang mga larawan nila ng kanyang fiancé. Sa caption nito, sinulat ni Michele: "8 to ♾️ with you 😘"
Walang anumang karagdagang detalyeng ibinahagi si Michele sa kanyang post. Subalit sa Facebook post ng Nice Print Photography, makikita ang ilang sa mga kuha nina Michele at Aldo sa ginawa nilang wedding proposal at engagement shoot sa Tokyo, Japan.
Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na nag-anunsyo ng kanilang engagement ngayong 2024:









