Fast Talk with Boy Abunda
Michelle Dee on rejoining pageantry: 'May ibubuga pa ako'

Kamakailan lamang ay muling nagbalik si Kapuso actress and beauty queen Michelle Dee sa pageantry, ngunit hindi bilang contestant kundi host ng Miss Grand International (MGI) All Stars na ginanap noong May 28 sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand.
Kaya naman, marami ang nagtatanong, babalik kaya si Michelle bilang contestant sa pageants?
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 16, ibinahagi ni Michelle na gusto niyang muling maging kinatawan ng bansa sa isang international competition. Sa katunayan, muntik na nga siyang sumali sa nagdaang Miss Grand International.
Alamin sa gallery na ito kung bakit hindi sumali si Michelle sa nagdaang beauty pageant at kung ano ang plano niya pagdating sa pageantry:









