Fast Talk with Boy Abunda
Miguel Tanfelix, ano ang mga 'what ifs' sa kaniyang karera?

Mula sa kaniyang pagiging child actor hanggang sa pagiging teen heartthrob, at ngayon bilang isa sa mga hinahangaang aktor, marami nang pinagdaanan si Miguel Tanfelix.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 26, ibinahagi ni Miguel na isa siyang overthinker at may pagkakataon umano na naiisip niya ang iba't ibang "what ifs" sa kaniyang buhay.
"Hindi naman siya regrets, more on what if. 'What if, kunyari, hindi ako nag-artista?' 'What if normal, pinagpatuloy ko ' yung pag-aaral ko?'" sabi ni Miguel.
Tingnan ang kuwentuhan nina Miguel at King of Talk Boy Abunda sa gallery na ito:









