Mika Salamanca at Brent Manalo, hindi pa rin makapaniwala sa kanilang pagkapanalo sa 'PBB'

Ilang araw pa lang nang maganap ang Big Night ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition at itinanghal bilang Big Winners sina Mika Salamanca at Brent Manalo o Team BreKa. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa kanilang pagkapanalo.
Sa pagbisita nina Mika at Brent sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 7, inamin ng dalawa na nabigla sila sa pagkakatanggal ng duo nina Charlie Fleming at Esnyr na CharEs. Saad nila, majority ng housemates ay naniniwalang sila ang magiging Big Winner.
“So feeling ko po talaga, alam namin, nire-ready po namin 'yung sarili namin na second or kaya Big Winner po talaga [ang CharEs]. Kaya nagulat din po kami,” sabi ni Mika.
Pagpapatuloy pa ni Brent, well-loved din talaga ang naturang duo sa loob ng Bahay ni Kuya, bagay na inaasahan nilang pareho rin sa labas.
Alamin naman kung ano ang naging reaksyon nina Mika at Brent sa kanilang pagkapanalo sa gallery na ito:









