advertisement
Showbiz News

Mika Salamanca, ipinakilala si 'Mahika' mula sa librong 'Lipad'

1 of 10

Mika Salamanca

Isa na ngayong children's book author ang 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' big winner na si Mika Salamanca.

2 of 10

Lipad

Noong September 1, ibinahagi ni Mika Salamanca ang kaniyang librong 'Lipad' sa entertainment press.

3 of 10

Migs Almendras

Ang host ng book launch ni Mika Salamanca ay ang Sparkle artist na si Migs Almendras.

advertisement
4 of 10

Emotional

Naging emosyonal si Mika Salamanca dahil ang librong ito ay katuparan ng isa sa kaniyang mga pangarap sa buhay.

5 of 10

Kuwento ni Mahika

Ayon sa content creator, actress, at book author na si Mika Salamanca, ang kuwento ng 'Lipad' ay tungkol sa isang batang diwata na si Mahika. Sa libro ni Mika nakasulat na pakiramdam ni Mahika ay hindi siya sapat o mahalaga dahil sa maliit at naiiba niyang pakpak.

6 of 10

Mika is Mahika

Inilahad ni Mika Salamanca na ang kuwento ni Mahika ay hango mula sa kaniyang naging karanasan sa buhay.

advertisement
7 of 10

Story of 'Lipad'

Personal na binasa ni Mika Salamanca ang kaniyang isinulat na kuwento.

8 of 10

Charity

Patuloy sa pagbibigay ng tulong si Mika Salamanca. Ayon sa Sparkle artist, nais niyang ibigay nang libre ang 'Lipad' ngunit sila ay nagdesisyon na ibenta ito para mas marami ang makabasa ng kaniyang kuwento.

9 of 10

Book signing

Nagkaroon din ng book signing si Mika Salamanca sa mga dumalo sa kaniyang event.

advertisement
10 of 10

'Lipad' in Manila International Book Fair 2025

Ang official debut ng 'Lipad' ay gaganapin sa Manila International Book Fair 2025 kung saan magkakaroon din si Mika ng reading session at book signing. Sa September 10 to 14 gaganapin ang Manila International Book Fair 2025 sa SMX Convention Center, Pasay City.

Around GMA