Mika Salamanca on Michelle Dee: 'I aspire to be like her'

Noon pa lamang sa loob ng Bahay ni Kuya, fangirl mode na si Mika Salamanca kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Sa condo raid at sleepover vlog nina Mika at content creator Zeinab Harake, ni-reveal ng ex-PBB housemate na si Michelle ang kanyang paboritong celebrity houseguest sa Bahay ni Kuya nang papiliin siya kung sino ang paborito niya sa pagitan nila ni Michelle at Ivana Alawi.
“Syempre, mahal na mahal ko si Ate Ivana, iba kasi 'yung like relationship namin sa labas, iba, pero kung sa loob ng bahay, mamimili ako, kung babasehan lang naman sa pagiging houseguest sa loob ng bahay, syempre pipiliin ko si MMD [Michelle Dee] talaga,” sagot ni Mika.
Ikinuwento ni Mika na hinahangaan niya ang beauty queen kahit sa labas at sa loob ng Bahay ni Kuya.
“Like nilo-look up ko talaga siya kahit sa loob ng bahay talaga, like sobrang lala ng pagka-look up ko sa kanya,” sabi nito.
Dagdag pa niya, “Nabago niya ako. 'Yung mindset ko ganyan, so parang sobrang, I aspire to be like her.”
Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, namangha rin si Mika sa ginawa ni Michelle para sa kanya.
“Pero, Ate Ivana, mahal na mahal kita, alam mo naman 'yun ba,” paliwanag ni Mika. “Mahal ko sila pareho.”
Isa si Michelle sa mga naging celebrity houseguest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Pinagtanggol ni Michelle si Mika noong siya ay nakatanggap ng “red flag” sa nominasyon sa pinaka-nagpapakatotoo sa lahat ng housemates.
Panoorin ang buong vlog nina Mika at Zeinab dito:
Samantala, tingnan dito ang iba pang naging celebrity houseguest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition:

































