Mike Enriquez, generous ayon kay DZBB anchor Joel Reyes Zobel

Balot man ng lungkot ang mga kasamahan ng GMA Integrated News Pillar na si Mike Enriquez, matapos itong pumanaw sa edad na 71 kahapon, sinariwa ng mga kasamahan niya sa GMA-7 ang magaganda nilang alaala kasama ang nag-iisang Booma.
Ngayong August 30 sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nakapanayam ng 'King of Talk' sina Joel Reyes Zobel, Susan Enriquez at Raffy Tima- kung saan ikinuwento nila ang ilan sa memorable moments nila sa award-winning broadcast journalist at ang mga natutunan nila dito.
Ayon sa seasoned radio anchor ng Super Radyo DZBB na si Joel, kahit perfectionist na boss si Mike, sa labas ng trabaho ay generous daw ito.
Lahad niya kay Boy Abunda, “Sa outside work, si Mike is a very caring friend…He is a generous person, kapag kami magpapaalam, 'Sir, ano, magbakakasyon muna kami mga two weeks.' [Sasabihin niya], 'Sige, bumalik ka agad ha!'
“Pero, papupuntahin ka sa opisina niya at bibigyan ka niya ng pocket money. Ganun siya ka-generous.”
Higit na kilalanin ang yumaong Kapuso na si Mike Enriquez sa gallery na ito.
Patuloy na tumutok sa 'Fast Talk with Boy Abunda' pagkatapos ng 'The Missing Husband' sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.







