Mike Tan, Martin Del Rosario, and Kokoy De Santos, iba-iba ang kasinungalingan sa 'House of Lies'

Puno ng kasinungalingan at mga sikreto ang upcoming GMA Afternoon Prime series na House of Lies na pagbibidahan nina Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kokoy De Santos. Ngunit ano nga ba ang mga kasinungalingan ng kanilang mga karakter sa serye?
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, January 7, ipinaliwanag nina Mike, Martin, at Kokoy kung papaano naging house of lies ang kanilang serye.
Paliwanag ni Martin, “Kasi lahat ng characters dito [ay] may tinatago Kaya ang aabangan ng viewers dito, every week, may mabubunyag na secrets. Parang sa simula kasi parang dini-depict yung family as perfect, ganiyan. Pero sa likod ng family na 'yan, ang daming biyak at kasinungalingan.”
Ngunit ano nga ba ang mga kasinungalingan na mapapanood sa serye? Alamin 'yan sa gallery na ito:









