Mikee Quintos, Kelvin Miranda, Thea Tolentino at Paul Salas, nag-workshop para sa 'The Lost Recipe'

Puspusan na ang paghahanda ng cast ng new fantasy romance series na The Lost Recipe.
Nitong October 27, nagsama-sama sina Mikee Quintos, Kelvin Miranda, Thea Tolentino, at Paul Salas para sa kanilang character analysis at acting workshop bilang paghahanda sa mga gagampanan nilang karakter sa programa.
Silipin ang ginanap na acting workshop ng Kapuso young actors kasama si Direk Monti Parungao at acting coach na si Marjorie Lorico.









