Mikee Quintos shares Mikoy Morales successful bachelor weekend

Talaga namang ramdam na ramdam ng soon-to-be groom na si Mikoy Morales ang pagmamahal mula sa mga malalapit niyang kaibigan sa naganap na bachelor party sa The Cabin Resorts sa San Miguel, Bulacan.
Sa Facebook, ipinakita ni Mikee ang ilan sa masasayang kaganapan sa kanilang matagumpay na bachelor party para sa BFF niyang si Mikoy, kung saan present din ang celebrities na sina Ruru Madrid, Chariz Solomon, at Paul Salas.
Sa 26-second video, makikitang enjoy sina Mikee at Mikoy kasama ang kanilang mga kaibigan sa nature activities sa resort tulad ng swimming, badminton, kayaking, biking, at ATV.
@mqquintos Successful bachelor weekend for #TeamGroom @The Cabin Resorts ♬ suara asli - ChapterEleven
Pagsapit ng gabi dito na sinorpresa nina Mikee si Mikoy ng cake at nagkaroon ng salo-salo.
Tingnan ang ilan pang mga larawan ni Mikee mula sa bachelor party ni Mikoy rito:




