Mikoy Morales at Mika Salamanca talk about authenticity

Masayang nakapanayam ni Boy Abunda ang Kapuso stars na sina Mikoy Morales at Mika Salamanca sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Kabilang sa mga napag-usapan ng King of Talk sa guest stars ay patungkol sa kanilang karera, relationships, at kung paano sila maging totoo o authentic.
Nagsimula ang showbiz journey ni Mikoy noong 2012 nang sumali siya sa Protégé: The Battle of the Big Artista Break, kung saan isa sa siya sa mga runner-up. Napanood na ang Kapuso star sa iba't ibang Kapuso serye at mga pelikula. Katunayan, nagwagi si Mikoy bilang Best Actor sa Cinemalaya 2023 para sa pelikulang Tether.
Samantala, nakilala si Mika bilang isang content creator na ngayo'y pinasok na rin ang mundo ng showbiz. Napanood si Mika sa ilang Kapuso shows gaya ng Maging Sino Ka Man at Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.
Balikan ang masayang usapan nina Mikoy Morales at Mika Salamanca sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito.






