Miles Ocampo at Elijah Canlas, kumpirmadong hiwalay na

Kinumpirma ng aktor na si Elijah Canlas na hiwalay na sila ng aktres at ngayon ay kanyang ex-girlfriend na si Miles Ocampo.
Sa isang panayam, sinabi ni Elijah na dumaan sila ni Miles sa ilang mga pagsubok sa kanilang relasyon nitong mga nakaraang buwan.
Aniya, “We went through a rough patch recently mainly because we are going through our own stuff.”
Nang tanungin ang aktor kung mag-on pa rin ba sila ni Miles, ito ang kanyang naging sagot, “Sadly, no.”
Paglalahad ni Elijah, “We broke up a couple of months ago.”
Pero paglilinaw ng aktor, hindi mawawala ang pagmamahal at suporta niya kay Miles bilang kaibigan.
“But I'm always gonna have love for her. I'm always gonna support her in whatever she does. I'm always her number one fan, basically,” ani Elijah.
Sa ngayon, naka-focus daw ang dalawa sa kanilang mga personal na buhay.
“But right now we're taking our time figuring out ourselves and our lives right now,” anang aktor.
Nasubukan din ang tibay ng kanilang relasyon nang ma-diagnose si Miles ng Papillary Thyroid Carcinoma nito lamang March 2023.
Mayo 2022, nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng kanilang sweet posts sa Instagram.
Para sa iba pang showbiz updates, bisitahin ang GMANetwork.com.





















