Miriam Quiambao, naubos ang life savings matapos ma-scam ng sariling kaibigan?

GMA Logo Sanya Lopez, Kyline Alcantara, Max Collins, Ysabel Ortega, Mark Reyes
Source: FastTalkGMA/FB

Photo Inside Page


Photos

Sanya Lopez, Kyline Alcantara, Max Collins, Ysabel Ortega, Mark Reyes



Life savings na umaabot umano ng milyon ang na-scam ng sariling kaibigan ni dating beauty queen na si Miriam Quiambao mula sa kaniya matapos hindi mabayaran ang mga utang sa bangko at maremata ang properties na ininvest nila.

Kuwento ni Miriam Quiambao sa Fast Talk with Boy Abunda nitong November 29, ka-partner niya ang isang kaibigan sa pag-i-invest sa properties na na-foreclose ng mga bangko. Ngunit nang ikasal siya sa unang asawa na si Claudio Rondinelli at lumipat sa Hong Kong, ay ang kaibigan na lang niya ang nag-manage ng lahat ng properties.

“Tapos marami siyang iniimbitahan to co-invest with her. Ang problema, minis-manage niya ' yung funds, walang check and balance, so ngayon lahat ng mga utang sa bangko hindi niya nababayaran tapos naremata lahat ng mga properties, E millions ang ininvest ko du'n, life savings.” pagbabahagi ni Miriam.

Ayon sa dating actress at TV host ay nakapag-file na sila ng kaso sa naturang kaibigan na nakakulong na ngayon. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Miriam tungkol dito dahil mahaba at masalimuot umano ang kuwento ng kaso.

Pag-amin ni Miriam, matapos ang nangyaring hiwalayan nila ng dating asawa at dahil sa dagdag na problema na pagkawala ng kaniyang life savings ay nagkaroon siya ng depression na umabot umano sa pagkakaroon niya ng suicidal thoughts.

Ngunit sabi ng dating beauty queen, naging malaking tulong ang paglapit niya noon sa Panginoon para siya maghilom.

“After I have given myself to the Lord and he had restored every aspect of my life, 'yung inayos niya 'yung takbo ng isip ko, hineal niya ako du'n sa depression ko, sa scuicidal thoughts ko, binalik niya ' yung trabaho, nakabayad ako sa utang,” pagbabahagi ni Miriam.

BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGAMIT ANG PANGALAN PARA MAKAPANG-SCAM SA GALLERY NA ITO:


Sanya Lopez
Scam alert
Warning
Kyline Alcantara
Fraudulent messages
Do not respond
Max Collins
Block the number
Ysabel Ortega
Do not respond or engage
Direk Mark Reyes
Scammer alert

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft