Misis, naghahanap pa rin ng kasagutan sa paglaho ng asawa sa 'Magpakailanman'

Walang sawa ang isang misis sa paghahanap ng kaniyang naglahong asawa sa brand-new episode ng Magpakailanman.
Isang mabuting ama si Diego na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Umuwi siya ng Pilipinas para dito magtrabaho para hindi na mawalay pa kaniyang pamilya.
Masaya naman ang asawa niyang si Rochelle dahil walang naging pagkukulang sa kaniya at sa kanilang mga anak si Diego kahit pa mas maliit ang kita nito kumpara noong sa abroad ito nagtatrabaho.
Magugulat na lang si Rochelle nang maglaho na parang bula si Diego. Gagawin ni Rochelle ang lahat para mahanap ang asawa. Kasabay nito, mag-isa na rin niyang itatagayod ang tatlo nilang anak.
Pero tatlong taon na ang lilipas at wala pa rin kahit anong impormasyon tungkol kay Diego.
Samantala, darating sa buhay ni Rochelle si Jerry na dating katrabaho ni Diego. Muling patitibukin ni Jerry and puso ni Rochelle pero nag-aalangan pa rin ito sa pag-asang magbabalik pa rin si Diego.
May inaasahan pa ba si Rochelle? Ano ang nangyari kay Diego?
Abangan ang brand-new episode na "Babalikan o Papalitan," May 25, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






