Mister, malululong sa online gambling sa 'Magpakailanman'

Napapanahon ang bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.'
Isang kuwento tungkol sa pagkakalulong sa sugal ang matutunghayan sa "My Online Gambler Husband."
Magsisimula bilang simpleng libangan ang pagtaya ni Obet sa mga online gambling sites.
Pero tulad ng nararanasan ng maraming mga Pilipino, agad siyang malululong dito.
Ang kinikitang niyang pera na dapat ay para sa pamilya, magagamit pa niyang pagsugal.
Mababaon sa utang si Obet at mapapabayaan na rin niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya--bagay na sanhi ng madalas nilang pagtatalo ng asawang si Michelle.
Ang online gambling addiction ba niya ang sisira sa kanilang pamilya?
Abangan ang brand-new episode na "My Online Gambler Husband," September 12, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






