advertisement
TV

Mitch Valdez, Fe De Los Reyes, talk about competition between actors in the '80s

1 of 10

No competitions

Ayon kina Mitch at Fe, hindi kailanman nagkaroon ng competition sa pagitan nila at ng kanilang mga kasamahan sa acts o grupo.

2 of 10

Mitch's double life

Pagbabahagi ni Mitch, noong '70s ay meron siyang "double life" bilang isang musical theater performer at rocker. Ngunit noong '80s, binago niya ang sarili at naging lounge act kasama nina Tessie at Nanette.

3 of 10

Good friends

Nakasama ni Mitch sina Tessie Tomas at Nanette Inventor sa lounge acts at ayon sa kaniya, wala naman silang naging kompetisyon ng una dahil matalik silang magkaibigan.

advertisement
4 of 10

Helping each other

Pagbabahagi pa ni Mitch, nakasama naman niya si Nanette sa programang "Tit for Tat" kaya hindi sila pwedeng magkaroon ng kompetensya. Sa halip, nagtutulungan sila.

5 of 10

Complementing

Ayon kay Fe, ang nangyayari noon ay nako-complement nilang mga artists ang isa't isa.

6 of 10

Music and Magic

Parte naman noon si Fe ng bandang Music and magic kung saan mga kabanda niya sina Bobby Taylo, Butch Elizalde, Nonoy Mendoza, Angeli Pangilinan-Valenciano, Kuh Ledesma, Eva Caparas, Jet Montelibano at Toto Gentica.

advertisement
7 of 10

Family

Wala rin umanong kompetensya sa pagitan ng mga miyembro ng banda at sa halip, itinuturing nila ang isa't isa bilang pamilya.

8 of 10

Nag-aaway

Ngunit pag-amin ni Fe, nag-aaway-away din naman sila. Aniya, madalas niyang nakaka-away si Angeli. Ngunit kahit ganoon, sinabi pa rin niyang lagi silang magiging isang pamilya.

9 of 10

Kuh going solo

Ayon kay Fe, noon pa man ay alam na nilang magso-solo si Kuh at hihiwalay na sa banda. Kaya naman, hindi na sila nabigla noong nilisan nito ang kanilang grupo.

advertisement
10 of 10

Upcoming show

Sa ngayon ay naghahanda na sina Mitch at Fe para sa kanilang upcoming show na "Sex and the Seniors" na gaganapin ngayong July 26 sa Teatrino at Promenade sa Greenhills, San Juan kung saan ipinangako nilang mapupuno ng saya at musika ang gabi.

Around GMA