Nabigyan ng kulay at buhay ang Metro Manila noong Biyernes, December 19, nang opisyal nang ganapin ang inaabangang Parade of Stars para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Tulad ng mga nagdaang taon ay nagpasiklaban ang mga MMFF entries ng kani-kanilang floats, na espesyal na hinanda para sa nasabing event, pati na rin sa mga fans.
Kabilang dito ang walong mga kasali sa sa 2025 MMFF: Bar Boys: After School, Call Me Mother, I'mPerfect, Love You So Bad, Manila's Finest, Rekonel, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, and UnMarry.
Sinundan naman ito ng Music Fest na mas nagbigay-buhay sa ika-51 na Metro Manila Film Festival.
Tingnan ang mga kaganapan sa nagdaang MMFF 2025 Parade of Stars at Music Fest sa gallery na ito:
Present sa nasabing Parade of Stars at Music Fest ang cast ng Bar Boys: After School.
Dumalo rin ang mga bigating bida ng Call Me Mother.
Heartwarming na float naman ang handog ng cast ng I'mPerfect.
Napuno naman ng kilig ang MMFF Parade of Stars at Music Fest dahil sa cast ng Love You So Bad.
Hindi rin nagpahuli ang cast ng Manila's Finest sa MMFF Parade of Stars at Music Fest.
Present din ang cast ng Rekonek sa nasabing event.
Puno ng takot at creativity ang float ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Dumalo rin ang cast ng UnMarry.
Love was in the air nang umapak MMFF Music Fest stage sina Brent Manalo at Mika Salamanca.
Isa si Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate River Joseph sa guests sa MMFF Music Fest.
World-class na kantahan at sayawan ang dala ng P-Pop group na BGYO.
Puno naman ng emosyon ang performance na hinandog ni Angeline Quinto.
Nagpasiklab din ang OPM icon na si Bamboo sa MMFF Music Fest.