News
'Mommy Dearest' stars, nag-reunion sa GMA Gala 2025

Tila nagkaroon ng mini-reunion ang cast ng katatapos lang na GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest sa naganap na GMA Gala 2025 nitong Sabado, August 2. Dumalo sa biggest event ng GMA Network sina Camille Prats, Shayne Sava, Katrina Halili, Dion Ignacio, at Winwyn Marquez. Pumunta rin doon si Rocco Nacino at maging si Direk Ralfh Malabunga.
Tunay na isang gabing hindi malilimutan ang naganap na GMA Gala para sa maraming celebrities, influential entertainment executives, at showbiz insiders na nagpunta sa annual gala sa Marriott Hotel sa Pasay City.
Tingnan ang blue-carpet looks at mini-reunion ng Mommy Dearest stars sa naganap na GMA Gal 2025 sa gallery na ito:














