advertisement
Showbiz News

MUST-SEE: Online reunions ng showbiz groups at programs ngayong quarantine

2 of 9

SexBomb singers

Nagsama-sama muli ang SexBomb singers na sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Yvette Lopez, Weng Ibarra, at Monic Icban sa two-part vlog ng Kapuso actress. Dito ay kinanta nila ang theme song ng Daisy Siete at nagkuwentuhan tungkol sa kanilang mga pinagkakaabalahan ngayong may COVID-19 crisis.

3 of 9

SexBomb dancers

Walang kupas! Hataw pa rin sa kanilang performance ng mga pinausong dance hits ang SexBomb dancers. Mapapanood ang kanilang virtual dance reunion sa social media account ni Aira Bermudez.

advertisement
4 of 9

That's Entertainment

Pinatunayan nina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Janno Gibbs, Monching Gutierrez, Keempee de Leon at Romnick Sarmenta na kayang-kaya pa rin nilang magpakilig at maghatid ng aliw nang mag-reunion sila sa kanilang performance na pinamagatang 'That's Quarantainment.'

5 of 9

TGIS batch 3

Muling nagkulitan ang cast members ng 'T.G.I.S.' batch 3 na sina Anne Curtis, Chubi del Rosario, Aiza Marquez, Yves Gonzalez at Vanna Garcia. Una silang nag-virtual reunion noong Mayo at nagsama-sama muli ang karamihan sa kanila sa online show na 'Just In' kasama si Paolo Contis.

6 of 9

SiS

Ang mga mag-'SiS' na sina Carmina Villarroel, Gelli de Belen, at Janice de Belen, muling nagkumustahan sa stay-at-home version ng programang 'All Out Sundays.'

advertisement
7 of 9

Ober Da Bakod

Na-miss niyo ba ang mga magkakapit-bahay na sina Mokong, Bubuli, Don Robert, Lucring, Honey Grace at Barbie Doll? May virtual reunion din ang cast ng 'Ober Da Bakod' na sina Janno Gibbs, Anjo Yllana, Leo Martinez, Malou de Guzman, Gelli de Belen at Donita Rose kasama ang kanilang direktor na si Ariel Ureta!

8 of 9

Beautiful Justice

Iba talaga ang nabuong pagkakaibigan sa set ng 'Beautiful Justice!' Kaya kahit hindi pa taon ang lumipas simula nang matapos ang kanilang programa sa GMA Network, nagtipon-tipon sa isang video conference sina Gabbi Garcia, Yasmien Kurdi, Bea Binene, Bing Loyzaga, Valeen Montenegro, Victor Neri, Derrick Monasterio at Gil Cuerva.

9 of 9

The Clash

World-class ang musical performances at entertainment na hinatid nina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, Lani Misalucha, Aiai Delas Alas, Rayver Cruz, Ken Chan at Rita Daniela sa kanilang ginawang online mini-concert para sa 'The Clash Reunion Live.'

advertisement

Around GMA