advertisement
TV

'My Mother, My Story': Jillian Ward, dedicated ang pagiging artista para sa kaniyang ina at lola

1 of 13

Trudis Liit

Ginanap ang third episode sa dating bahay kung saan ginawa ni Jillian Ward ang kanyang acting debut series na Trudis Liit. Hindi pa man nagsisimula ang kanilang panayam, puno na ng nostalgia ang bumungad sa viewers nang nilibot ng Sparkle star at Boy Abunda ang bahay.

2 of 13

Jillian Ward

Tampok sa third episode ng My Mother, My Story ang Star of the New Gen na si Jillian Ward. Sa kaniyang panayam kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, ikinuwento ni Jillian ang kaniyang untold story tungkol sa kaniyang ina na si Jennifer Ward at mga pagsubok niya bilang isang child star.

3 of 13

19 years old

Ibinunyag ni Jillian Ward na siya'y ipinanganak ng kaniyang ina, na si Jennifer Ward, sa edad na 19 pa lamang. Dahil sa takot bilang young mother, muntikan pa raw siya hindi ituloy ng kaniyang ina. Ngunit pagkatapos magdasal sa simbahan at malalim na pag-iisip, nagpasya si Jennifer na ituloy ang pagbubuntis niya kay Jillian.

advertisement
4 of 13

Understanding

Nang nalaman daw ni Jillian Ward na muntikan na siyang ipalaglag, mas naging maunawain na lamang siya dahil naiintindihan niya raw ang pinagdaanan ng kaniyang ina. Paliwanag ng Kapuso star, "Actually, I think 'yung iba na in-expect nila na magalit ako sa mother ko or ma-disappoint ako. Pero naintindihan ko po kasi siya, e, na super bata niya noon. So siiyempre, may fear."

5 of 13

Hard working

Dahil sa kuwento ng kaniyang nanay na si Jennifer Ward, pursigido si Jillian na abutin ang kaniyang mga pangarap. Para sa aktres, ang pagiging artista ay isa sa mga paraan para matupad din ang mga pangarap ng kaniyang ina. Katulad ng kaniyang role bilang si Doktora Analyn sa Abot-Kamay na Pangarap, ginagamit niya itong paraan para makamit ang dating pangarap ng kaniyang nanay bilang doktor.

6 of 13

Love

Sa usapang pag-ibig, mas gusto muna raw ni Jillian Ward mag-focus sa kaniyang pamilya at career dahil alam niya ang mga sakripisyo ng kaniyang nanay para sa kanila. Nais muna ng aktres bigyan ito ng pagkakataon para mag-enjoy para sa sarili. "Maaga po siya na inalagaan niya po kami. Hindi siya nakakalabas at the time. So ngayon, parang ang gusto ko ako po 'yung mag-work muna. Ako 'yung magbigay ng sobrang time sa family ko and let my mother do what she wants to do. Lumabas siya ganun," sabi niya.


advertisement
7 of 13

Passion

Pangarap talaga ni Jillian Ward ang maging isang sikat na artista noong siya'y bata pa lamang. Kaya noong dinanas niya ang awkward stage, labis ang kaniyang lungkot sa kaunting projects na natatanggap niya. Nagdasal pa nga raw si Jillian na okay lang mapagod o mapuyat basta lang maraming projects ang matatanggap niya. Pero sa mga araw na iyon, doon din naranasan ni Jillian ang ordinaryong buhay ng bata, kung saan nakakapaglaro siya sa labas ng kanilang bahay.

8 of 13

Burn out

Inamin ni Jillian Ward na naranasan niya ma-burnout noon dahil sa kaniyang busy schedule. Araw-araw kasi siyang umiiyak sa eksena na tila umabot pa ng 11 hours. Pero kinaya naman ni Jillian ang pagsubok dahil sa moral support ng kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang ina at lola. "Kung wala po 'yung mama ko parang wala, wala po akong courage para maging artista. 'Di po ako maniniwala sa sarili ko," emosyonal niyang sinabi.

9 of 13

Grandma

Isa sa mga inspirasyon ni Jillian Ward bilang artista ay ang kaniyang yumaong na lola. Ang kaniyang pagganap bilang si Doc. Analyn sa Abot-Kamay na Pangarap ay dedicated para sa kaniyang lola. Labis ang pagmamahal at pasasalamat ni Jillian sa kaniya dahil malaking pagsuporta ang ibinigay nito sa kaniya. Naalala ng aktres na buong araw pa siya pinapanood ng kaniyang lola sa telebisyon kahit madalas lang sila magkasama sa bahay.

advertisement
10 of 13

Ambitious

Maliban sa awards at fame, nais ni Jillian Ward na maging safe space o ilaw para sa kaniyang fans. Sabi niya, "Actually, ang life goal ko kasi, Tito Boy, more than 'yung achievements is maging parang light sa buhay ng ibang mga tao. 'Yung pag maging magkaibigan kami somehow magiging light ako sa buhay nila na pag may problema sila parang, 'I'm just here,' and nag-sha-share ako ng good energy sa kanila."

11 of 13

Controversy

Simula noong bata pa lamang siya, marami nang hate comments ang natatanggap ni Jillian Ward galing sa kaniyang bashers. Inamin din ng Sparkle star na nasasaktan siya tuwing binabasa niya ang mga ito dahil unfair at cruel ang mga binibintangan nila sa kaniya. Nilinaw ni Jillian na lahat ng kaniyang luxurious items, kasama ang kaniyang debut, ay galing sa kaniyang inipon at tulong ng kaniyang brand endorsers at GMA. Lahat ng ito ay epekto ng kaniyang pagsisikap bilang isang child star.

12 of 13

Mother

Nang tanungin si Jillian Ward kung ano ang gagayahin at hindi niya gagayahin sa kaniyang ina, masayang sinagot ng aktres na mas marami ang naiisip niyang positive traits. Ang pinakatumatak na ugali na nais manahin ni Jillian ay, "Like, binibigyan po kami ng freedom pero may guidance."

advertisement
13 of 13

Myself

Sa tanong ni Boy Abunda kung sino siya dahil sa kanyang ina, ang sagot ni Jillian Ward: " I am a very loving and giving person because of my mom. Naniniwala ako na strong akong klaseng tao because of my mother. I am driven because of my mother. I am blessed because of my mom kasi alam kong lagi akong pine-pray. Basically, ako po ito dahil sa mother ko. I am Jillian because of my mother. Everything I am because of my mother."

Around GMA