News
'Naiilang' MV tops YouTube PH as AZ Martinez and Ralph De Leon's appearance trends online

Overload sa kilig ang hatid ng music video ng singer na si Le John na pinamagatang “Naiilang,” kung saan bumida sina Kapuso star AZ Martinez at Kapamilya actor na si Ralph De Leon.
Inabangan ng fans ang naturang music video na pinagbidahan ng former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates at agad nitong nakuha ang top spot sa YouTube Philippines.
Mabilis ding naging trending topic sa X (formerly Twitter) ang appearance nina AZ at Ralph sa music video. Samantala, kasalukuyang mayroong mahigit 290,000 views na ang “Naiilang” music video sa YouTube.
Panoorin ang “Naiilang” music video sa ibaba.
Samantala, silipin ang ilang behind-the-scenes ng AzRalph sa music video dito.





